Tondo Inaalam ng mga pulisya ang detalye ng insidente sa biktima. Kuha ni JONJON C. REYES

Tubong Ecija muntik madedo ng Tubong Tondo

Jon-jon Reyes Jun 18, 2025
19 Views

KASALUKUYANG inoobserbahan ng mga manggagamot ang isang 28 anyos na lalaki matapos saksakin sa likod habang naglalakad sa kahabaan ng Jacinto St. Bgy 102, Tondo, Manila, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si alyas Del, tubong Bongabong, Nueva Ecija, kasalukuyang naninirahan sa Gagalangin, Tondo.

Patuloy ang pagtugis ng mga pulis sa tumakas na salarin na si nakilalang alyas Edward, 40, ng Sta Maria Street ,Tondo. Nakaalitan umano ito ng biktima,.

Ayon sa nakalap ng Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District mula sa isang saksi, bandang 5:00 ng madaling araw nang dumaan ang biktima sa harap ng suspek.

Pagkalampas ng biktima, ay inundayan ito ng saksak sa likod. Agad isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center.