NBI Iniharap ng mga NBI officials ang suspek na may kasong rape at robbery. Kuha ni JONJON C. REYES

TNVS driver ‘sinakyan’, ninakawan pasahero, na-tow sa presinto

Jon-jon Reyes Jun 19, 2025
26 Views

TIMBOG ang isang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pamumuno ni Director Jaime Santiago, dahil sa kasong robbery with rape noong Martes.

Nag-ugat ang operasyon sa suspek na si alyas Reuyan matapos dumulog sa himpilan ng NBI ang biktima laban sa kanya.

Ayon sa biktima, nag-book siya sa suspek bandang alas-3:00 ng madaling araw. Nakatulog ang biktima sa sasakyan hanggang sa magising siya at naramdaman niyang nakapatong na sa kanya ang suspek at may nakapasok sa kanyang ari.

Nagmakaawa ang biktima na itigil na ng suspek ang panghahalay pero sinuntok pa siya sa tiyan nang manlaban.

Naagaw din ang bag ng biktima na naglalaman ng iPhone 16 at kuwintas na nagkakahalaga ng P35,000.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga ahente ng NBI dahil sa sumbong ng biktima. Nahanap ng mga ahente ng NBI ang operator at rehistradong may-ari ng sasakyan na minamaneho ng suspek.

Sinamahan ng operator ang mga ahente ng NBI-NCR sa address ng suspek sa Cainta, Rizal.

Hinabol ng mga NBI agents ang suspek na nag-resulta sa pagkaka timbog nito.