Martin

VP-elect Duterte kinilala, pinasalamatan si Romualdez

246 Views

KINILALA at pinasalamatan ni Vice President-elect Sara Duterte si House Majority Leader at reelected Leyte Rep. Martin Romualdez sa mga tulong at suporta nito sa kanyang kandidatura.

Sinimulan ni Duterte ang pasasalamat kay Romualdez sa pagtanggap nito sa kanya bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CDM) bago ang kampanya para sa May 9, 2022 elections.

“I’d like to personally thank publicly thank Cong. Martin Romualdez for taking me in, in Lakas-CMD and accepting the challenge to be my campaign manager, one of my two, campaign managers during the last election. It was not without…and challenges but you did very well.. 32.2 miillion votes,” sabi ni Duterte.

Si Romualdez ang pangulo ng Lakas-CMD. Nang magdesisyon na tumakbong bise presidente, si Duterte ay iniluklok bilang chairperson ng partido.

“You did it all and alam niyo, pagod, puyat, luha, lahat ‘yon ni Cong. Martin Romualdez and as a candidate I’m truly appreciative of how he took care of me, actually silang dalawa, dalawang campaign managers ko, I was always with food, I was always full and lagi silang nagpapalitan na nagpapadal ng pagkain sa akin, so one campaign manager will send today, the next day, the other campaign manager will send food,” dagdag pa ni Duterte.

Noong kampanya, naikuwento umano ni Duterte sa kanyang running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapadala ng pagkain sa kanya ni Romualdez at isa pang campaign manager nito na si Davao Occidental Gov. Claude Bautista.

“In fact, noong kinwento ko ‘yun kay Pres. Marcos, sabi ko sir, napakaswerte ko talaga dahil busog ako lagi dahil lagi akong pinapadalhan. Sabi niya, ‘Nasaan na ba mga campaign managers ko, bakit hindi ganito ang nangyayari sa akin?'” dagdag pa ng magiging ika-15 bise presidente ng bansa.

“So I truly thankful for all that happened because, a learning experience from me, and I am appreciative of all that you have taught me, kayong lahat, mga kababayan ko, and I commit to be beside you in the service of our country,” sabi pa ng papaalis na alkalde ng Davao City.