Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Calendar
Matapos humawak ng kable, rehas naman ang hinahawakan ng naarestong suspek matapos mahuli sa aktong ninenenok ang mga kable ng PLDT sa Ermita, Manila.
Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
Kable ng telco ninenok, tirador huli ng MPD-5
Jon-jon Reyes
Jun 22, 2025
372
Views
TIMBOG ang 26-anyos na lalaki ng mga operatiba ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 dahil umano sa pagnanakaw ng mga kable na pag-aari ng telco sa Taft Avenue corner Finance Road sa Ermita, Manila noong Sabado.
Kinilala ang suspek na si alyas John Leonard.
Sa salaysay ng mga testigo, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa command post tungkol sa trouble ticket o sirang linya kaya humingi ng tulong ang contractor sa mga awtoridad.
Pagdating sa lugar, nakita nila ang nakabukas na manhole cover at ng suriin, nakita sa loob ang suspek na binubuwag ang fiber optic lines.
Humingi ng tulong ang mga biktima sa mga mobile na nagsasagawa ng patrol kaya natimbog ang suspek at nabawi ang ilang metro ng kable.
Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Kelot ‘papatay’ dahil sa cellphone
May 1, 2026
Nagpakilalang abogada inaresto
Apr 30, 2026

