Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
HK-Traveler

Pasahero papuntang HK tiklo sa di dineklarang pera

Jun I Legaspi Jun 26, 2025
271 Views

NASABAT ng mga awtoridad ang isang pasahero patungong Hong Kong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na may dalang hindi idineklarang salapi sa kanyang bagahe noong Hunyo 25, 2025.

Hinuli ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang pasahero sa karaniwang pagsusuri.

Sa inspeksyon ng kanyang bagahe, natuklasan ang P1.2 milyon at $580,000 na hindi idineklara.

Ang pasahero at ang nasabat na salapi ay nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Customs (BOC) para sa pagsusuri ng serial number at karagdagang imbestigasyon.

Ayon kay PBGen. Jason Capoy, Acting Director ng AVSEGROUP,: “Ipinapakita ng pangyayaring ito ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya sa paliparan upang matiyak ang pananagutan sa mga paglabag sa pinakamalaking paliparan sa bansa.”