Rider nagulungan ng 10-wheeler truck, dedo
Sep 29, 2024
Calendar
Metro
Magnanakaw ng motorsiklo patay sa engkwentro
Melnie Ragasa Jimena
Jun 18, 2022
244
Views
NASAWI ang isang lalaki na nanlaban umano sa mga pulis na sumita sa kanya dahil wala itong suot na face mask sa Quezon City.
Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng suspek na nakasuot ng putting t-shirt, asul na short pants, tsinelas at asul na helmet.
Nagsasagawa umano ng Oplan Galugad ang pulisya sa tabi ng Quezon City Sports Complex sa Saint Peter Julian Eymard Drive, Brgy. Kristong Hari, Quezon City nang dumaan ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo.
Sinita umano ng mga pulis ang suspek dahil walang suot na face mask. Sa halip na huminto ay nagpaputok umano ng baril ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga pulis.
Ayon sa pulisya, nakaw ang NMAX na minamaneho ng suspek. Isang kalibre .38 revolver ang narekober sa suspek.
Rider nagulungan ng 10-wheeler truck, dedo
Sep 29, 2024
Buntis kasama sa 6 na patay sa Tondo fire
Sep 29, 2024