MRT3

Libreng antigen test sa MRT-3 magtatapos na sa Hunyo 30

259 Views

MAGTATAPOS na sa Hunyo 30 ang libreng COVID-19 antigen test na ibinibigay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) matatagpuan ang mga booth kung saan maaaring makapagpa-antigen test ng libre sa North Avenue station, at Shaw Boulevard station mula alas-7 hanggang 8 ng umaga.

Mayroon ding libreng antigen test sa Cubao at Shaw Boulevard station mula alas-4 hanggang 5 ng hapon.

Noong Enero 11 nagsimulang magbigay ng libreng antigen test ang MRT-3 bilang bahagi ng kampanya laban sa pagkalat ng COVID-19.