Calendar
Termino ng bgy execs pinag-aaralan na gawing 5 taon
PINAG-AARALAN ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay mula sa tatlong taon.
Ayon kay Executive Secretary-designate Vic D. Rodriguez mananatili naman ang limitasyon na hanggang tatlong sunod na termino lamang maaaring umupo ang isang opisyal ng barangay.
Ipinaliwanag ni Rodriguez na ang pagpapalawig ng termino ay magbibigay daan upang mas mapaganda ang pamumuno sa mga barangay.
“For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years ‘yan kesa extension, extension, extension, and extension because we are working against the spirit of our law, the bible of the Local Government Units – the 1992 Local Government Code. So instead of violating the spirit of the law, we might as well extend natin siguro ‘yan and provide stability in your leadership, provide stability in governance,” sabi ni Rodriguez.
Samantala, sinabi ni Rodriguez na pinag-aaralan din ang panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Disyembre 2022.
“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” ayon pa kay Rodriguez.
Noong 2019 ay ipinagpaliban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang halalan at inilipat sa Disyembre 2022.
Noong Mayo 2018 huling nagdaos ng Barangay at SK elections.