Calendar
Inasestihan ng kapulisan ng MPD 14 si Lolo Henry at dinala sa UST Hospital para sa kanyang dialysis. Kuha ni JONJON C. REYES
69-anyos na lolo nakarating sa ospital para sa dialysis, salamat sa pulis
ISANG 69-anyos na lolo ang tinulungan ng kapulisan ng MPD Barbosa Police Station 14 na makarating sa ospital para makapag-dialysis matapos maistranded a dahil sa walang tigil na buhos ng ulan at pagbaha sa Noval St., Sampaloc, Manila, Martes ng umaga.
Ang rescue operation at Libreng Sakay ay isinagawa sa direktiba ni Police Brig.General Arnold Abad District Director at pinamunuan ni PLt.Col. Arwen Nacional.
Habang nagpapatrol ang mga miyembro ng MPD-14 ay naispatan nila ang sedan na na-stranded sa kahabaan ng España Boulevard.
Ayon kay Nacional, patungo sa UST Hospital ang nasabing lolo na nakilala lamang bilang alyas Henry nang ma-stranded ang sasakyan kung saan kasama niya ang kamag-anak.
Agad inilipat ng mga pulis sa mobile patrol si Lolo Henry at kaanak nito at dinala sa ospital.
Lubos ang pasasalamat ni Lolo Henry at ng kanyang mga mahal sa buhay sa mga kapulisan dahil sa nasabing pagtulong.
Maliban sa intensified patrolling, ang Oplan Libreng Sakay ay isinagawa ng MPD 14 sa gabay ni MPD Director PBGen. Arnold E Abad.

