Calendar
Ang natagpuang bangkay. Kuha ni JONJON C. REYES
Bangkay ng pintor nakuha sa San Juan River
ISANG bangkay ng pintor ang iniahon sa San Juan River sa A. Bautista St., Bgy 897, Zone 99, Punta Sta Ana Manila, Miyerkoles ng umaga,
Nakilala ang biktima na alyas Aries, 30, tubong Quezon City, residente ng Tabing Ilog, Kaingin, Bukid Apolonio, Samson, QC.
Ayon sa report ng MPD Homicide Section, huling nakita ang biktima bandang alas-3:00 ng hapon ng Lunes.
Ayon sa nakakita, ang pintor ay nadulas habang nakatayo sa ibabaw ng bakod ng manok sa may Tabing Ilog St.
Agad na ipinaalam ng nakakita ang insidente sa kanilang barangay at Hotline 122.
Bandang 10 ng umaga ng matagpuan ang bangkya ng biktima.
Agad rumesponde sina PCpl Reymon Mamaug at Pat Jerson Calleze at kinordon ang lugar.
Inalam agad ni MPD-Homicide Investigator Pat Butch Baladjay kasama ang dalawang iba pa ang ilang insidente sa kaso.

