Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
MMDA

MMDA nag-inspeksiyon sa Tripa de Gallina Pumping Station at MRT-7 Batasan Station

Edd Reyes Jul 23, 2025
389 Views

PERSONAL na nagsagawa ng inspeksiyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes sa Tripa de Gallina Pumping Station, ang pinakamalaking pumping station sa buong Kamaynilaan, Miyerkules ng umaga sa Pasay City.

Isinagawa ni Artes ang pagsusuri upang matiyak na hindi napipigilan ang operasyon ng naturang pumping station sa kabila ng pananatili ng masamang panahon at alinsunod na rin sa pagtalima sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensiya na gumawa ng kaukulang hakbang at paghahanda sa epekto ng masamang panahon na dulot ng habagat.

Nito lang araw ng Martes, tone-toneladang basura ang nakuha ng MMDA sa Tripa De Gallina Pumping Station, kabilang ang lumang sopa, sirang refrigerator, lumang gulong, sanga ng mga puno, mga plastic bottle, at iba pang basura

Paliwanag ni Artes, kapag bumara ang plastic sa pump at pumulupot sa makina, iinit ito ng husto na makakaapekto sa operasyong ng makina hanggang tuluyang masira.

Binanggit din niya na lipas na sa panahon ang drainage system sa Metro Manila na aabot na sa 50-taon kaya’t kailangan na ang drainage master plan upang ma-upgrade at mapalawak ang daluyan ng mga tubig, pati na rin ang pagtatayo ng mga bagong pumping stations at idagdag pa ang kinakailangang disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng kanilang basura.

Bukod sa Tripa De Gallina Pumping Station, nagtungo at nag-inspeksiyon din si Artes sa MRT Batasan Station sa Commonwealth Avenue sa Quezon City upang alamin at matugunan ang pagbaha sa naturang lugar.

“The size of the inlet was reduced to 2 feet by 2 feet from its original dimension of 3 meters by 3 meters. Our agency plans to widen the existing steel-grating drop inlet to intercept the flood waters coming from IBP Road,” sabi ni Artes nang mapuna ang pagbabago.