Calendar
Metro
Lasing nag-dive sa ilog, tepok
Edd Reyes
Jul 24, 2025
362
Views
HINDI na lumutang pagkatapos mag-dive sa ilog ang senglot na machine operator noong Martes sa Malabon City.
Miyerkules na ng alas-6:20 ng gabi nakuha ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang bangkay ng biktimang si alyas Alvin, 32.
Sa ulat ni P/MSg. Jeric Tindugan, may hawak ng kaso, kay Malabon police chief P/Col. Allan Umipig, lasing umano ang biktima ng tumalon sa ilog sa Sto Rosario Village dakong alas-2:00 ng hapon sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Nang hindi na lumutang ang biktima, humingi na ng tulong ang mga residente at opisyal ng barangay sa PCG.
NAWAWALANG ACCOUNTANT NAKITANG BANGKAY NA LUMULUTANG
Jul 12, 2026
Suspek sa panghahalay nahuli
Jul 11, 2026
Suspek sa paulit-ulit na panghahalay, nasakote
Jul 11, 2026
‘Boy Yabang’ nagpasikat ng baril sa kalye, pinosasan
Jul 11, 2026

