Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Bata Kinarga ng isa sa mga tumulong na rescuer ang bangkay ng 11-anyos na biktima na ilang oras hinanap sa Estero de Tondo.

Nene nalunod sa harap ng barkada, 5 oras bago bangkay nakita

Jon-jon Reyes Jul 24, 2025
443 Views

UMABOT ng 5 oras ang search and rescue bago nakuha ang katawan ng 11-taong gulang na batang babae.na nalunod sa ilog sa may Muralla Bridge 2, Brgy. 128, District 1, Tondo, Maynila noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si alyas Justine Joy.

Ayon sa ulat, bandang alas-11:25 ng umaga ng sumama siya sa kanyang mga kaibigan para maligo sa ilog sa gitna ng malakas na ulan.

Dahil sa malakas na agos ng tubig, nalunod ang biktima habang naliligo sa ilog.

Sinubukan pa siyang sagipin ng kanyang mga kaibigan pero hindi na siya naisalba.

Agad na humingi ng tulong ang kanyang pamilya sa mga awtoridad.

Rumesponde ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang volunteer upang magsagawa ng search and rescue.

Matapos ang halos limang oras na paghahanap, natagpuan ang kanyang bangkay bandang alas-3:24 ng hapon.