Ilang kalsada sa paligid ng National Museum sarado na

174 Views

PANSAMANTALANG isinara na ang ilang kalsada sa paligid ng National Museum complex bilang bahagi ng paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Huwebes.

Sarado sa mga motorista sa Hunyo 30 ang bahagi ng Padre Burgos Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard; Finance Road mula Taft Avenue hanggang P. Burgos/Maria Orosa; Taft Avenue (south bound) mula P. Burgos hanggang Finance Road; Ayala Boulevard mula Carlos Palanca hanggang Ataf Avenue; Gen. Luna street mula Murillo hanggang P. Burgos; at Victoria street mula P. Burgos hanggang Murillo street.

Mayroon ding mga kalsada na pansamantalang isasara sa mga motorista malapit sa Malacañang at Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Aabot sa 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikakalat sa lugar upang magmando ng trapiko.