BBM1

Romualdez tiwala SONA ni PBBM pagpaptuloy inklusibong pag-unlad

233 Views

Sa ika-4 SONA ni PBBM: Romualdez tiwala sa pagpapatuloy ng inklusibong pag-unlad, pamamahala sa tumutugon sa pangangailangan ng bansa

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez na sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ay ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusulong nito ng inklusibong pag-unlad at isang pamamahala na tumutugon sa pa pangangailangan ng mga Pilipino.

“Habang naghahanda si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ihatid ang kanyang ika-apat na SONA, ipinagmamalaki ko ang mga naabot niya sa ilalim ng kanyang matatag at mahabaging pamumuno,” ani Romualdez, ang Speaker ng 19th Congress.

“Mula sa matapang na hakbang para sa muling pagbangon ng ekonomiya hanggang sa mga determinadong pamumuhunan sa agrikultura, imprastraktura, edukasyon, at digital innovation, ipinakita ng Pangulo na ang matatag na pamahalaan ay kayang iangat ang buhay ng mamamayan at ibalik ang tiwala sa kinabukasan ng ating bansa,” dagdag pa ni Romualdez, isang abogado mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at kasalukuyang presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa).

Bilang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), sinabi ni Romualdez na ang nalalapit na SONA ay isang pagkakataon upang higit pang patatagin ang pag-unlad ng bansa habang sabay na tinutugunan ang mga kagyat na suliranin ng mamamayan.

“Ngunit hindi pa tapos ang laban. Patuloy pa ring hinaharap ng mga Pilipino ang samu’t saring hamon—mula sa tumataas na presyo ng pangunahing bilihin hanggang sa pangangailangan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan, matatag na trabaho, at mas magandang akses sa edukasyon at serbisyong panlipunan,” ani Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ang SONA ngayong taon ay isang pagkakataon upang itaguyod ang ating mga nakamit at maglatag ng malinaw, makatao, at pangmatagalang adyenda na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan.

Dagdag pa niya, mananatiling tapat ang Kamara sa pagsuporta sa mga prayoridad ng Pangulo sa pamamagitan ng mga batas na may konkretong benepisyo para sa mamamayan.

“We in the House of Representatives stand firmly behind the President’s vision. We are ready to translate his priorities into action by passing laws that will ease the burden on Filipino families, strengthen our economy, and ensure that no one is left behind in the journey toward a truly inclusive and secure future,” diin pa ni Romualdez.