Vic Reyes

Mga tiwali sa BOC, tatanggalin na, kakasuhan pa ni Nepomuceno

Vic Reyes Jul 30, 2025
284 Views

BABALA sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa buong bansa!

Tigilan niyo na ang mga ginagawang ninyong katarantaduhan bago kayo mahagip ng latigo ni Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno.

Hindi lang kayo hihiyain ni Commissioner Nepomuceno kahit ikaw pa ay mataas na opisyal.

Tatanggalin pa kayo sa serbisyo pagkatapos ng isang full-blown na imbestigasyon.

Kakasuhan pa kayo sa korte para makulong.

Nito ngang nakaraang linggo ay ni-relieve ni Sir Ariel ang siyam na personnel sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sila ay sangkot daw sa napabalitang kaso ng extortion sa terminal ng NAIA.

Tanggal muna sila sa kani-kanilang puwesto habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BOC internal inquiry division, intelligence and investigation services.

At kaagad na nagpatupad ng 24-hour reporting policy para makasiguro ng“immediate action on personnel miscondsuct

“We take this matter seriously and there will be no leniency for personnel who abuse their position,” diin ni Nepomuceno.
He added: “Any form of misconduct will be met with immediate and appropriate action.”

Nag-isyu din ng memorandum ang BOC chief sa mga matataas na opisyal ng ahensya.

Ang memorandum ay nag-uutos sa mga opisyal na ito para mag-report sa loob ng 24 hours pagkatapos ng isang insidente.

Dapat isama sa report ang “corresponding spot or incident report, and any relevant supporting document or evidence.

Ang nasabing memorandum ay addressed sa deputy commissioners, district collectors, district port supervisors, examiners at ibang concerned personnel.

***

Ibang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasaksihan ng taumbayan sa SONA niya noong nakaraang Lunes.

Palaban ang nakita nating Pangulong Marcos, na kilalang sobrang mabait na lingkod-bayan.

Sa sobrang galit niya sa mga mandurugas ay nasabi niyang “MAHIYA NAMAN KAYO.”Ang pinatutungkulan niya ay ang mga taong sangkot sa mga “palpak” na flood control projects ng gobyerno.

Nasaksihan kasi mismo ni Pangulong Marcos ang malawakang pagbaha sa mga lugar na dinalaw niya kamakailan.”

Baka ganyan rin ang gawin ni Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno sa mga tiwali sa aduana.

***

Sana naman tumulong ang mga opisyal ng mga barangay sa pagbabantay sa pagtaas ng presyo ng bilihin sa panahon ng tag-ulan.

Siya kasi ang nakakakita sa mga nangyayari sa komunidad.

Hindi kayang bantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang buong bansa.

Kulang sila ng field personnel para bantayan ang lahat ng pamilihang bayan at pribadong merkado.

Tama ba, Pangulong Marcos at DILG Secretary Jonvic Remulla?