Heart

Heart, Goodbye sa teleserye

510 Views

GOODBYE na sa mga serye si Heart Evangelista. Aarte pa rin siya maliban sa soap opera dahil sabi niya, “I love acting.”

So, huling teleserye na ni Heart ang I Left My Heart in Sorsogon na magtatapos na ngayong Linggo. Ang First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion ang kapalit nito simula sa February 15.

Eh, tumatakbong senador ang asawa niyang si Gov. Chiz Escudero kaya may wife duties pa rin siya. At sa totoo lang, oras na rin para magkaroon si Heart ng anak, huh!

’Kapagod kayang mag-teleserye!. Ni Jun Nardo