Calendar
Zubiri, Hontiveros itinalagang Deputy Minority Leader
PORMAL na Itinalaga ni Senate Minority Leader Vicente C. Sotto III sina Senador Juan Miguel Zubiri at Risa Hontiveros bilang mga Deputy Minority Leader ng Senado.
Ang mga naturang pagtatalaga ay kinilala naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Bilang mga Deputy Minority Leader, kakatawanin nina Zubiri at Hontiveros ang Minorya sa lahat ng permanenteng komite ng Senado at may kapangyarihang kumilos sa ngalan ng Minority Leader sa oras ng kanyang pagkawala.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Sotto na sina Zubiri at Hontiveros ay magiging epektibo sa nasabing posiayon.
“I believe Senators Zubiri and Hontiveros are best suited to perform these roles with integrity, independence, and a strong sense of public accountability.” ani Sotto.
Ang anunsyo ay inilabas ng Media Relations Office ni Senador Vicente “Tito” Sotto III sa gitna na pagbuo Ng mga lider na binubuo sa pagbubukas Ng 20th Congress.

