Calendar
Habang abala ang mga biktima sa pagsagot sa umanoy
application form ay makikitang dinudukot ng suspek ang wallet ng senior citizen na babae mula sa ecobag.
Source: Screen shot mula GMA News video
Mag-asawang senior nadukutan ng nag-alok ng pekeng ayuda
NADUKUTAN ng P6,000 ang mag-asawang senior citizen ng ‘di pa nakikilalang babae na nag-alok ng ayuda sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.
Napag alaman na nasa isang printing shop sa Barangay Commonwealth ang mag-asawa nang lapitan ng suspek at inalok ang mga ito ng ayuda.
Agad namang napapayag ang dalawang matanda at habang pinasusulat sa umanoy application form ang ay pasimpleng may dinukot ang suspek sa eco-bag na bitbit ng mag-asawa.
Matapos ay agad isiniksik ng babae sa kaniyang damit ang umanoy wallet na naglalaman ng P6,000 na kinuha sa eco-bag ng mag-asawa saka mabilis na umalis.
Nang matapos sa pagsusulat sa application form ang mag-asawa na parehong nasa edad 71, ay hindi na nila nakita ang babae at doon ay saka lamang nila nalaman na nadukot na ang kanilang pera.
Nanlumo naman ang mag-asawa sa nangyari dahi anim na buwan umano nilang hinintay ang pension para pambili ng kanilang pagkain at gamot nila,, pati ng kanilang anak anak na dina-dialysis.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pulisya at kinuha na rin ang CCTV footage upang matukoy ang babaeng kawatan.

