Babaeng negosyante timbog sa bouncing checks
Nov 8, 2026
8 kulong sa Candon dahil sa illegal gambling
Nov 8, 2026
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Calendar
Metro
78-anyos na lola dedo sa sunog sa QC
Melnie Ragasa Jimena
Aug 6, 2025
560
Views
NASAWI ang 78-anyos na lola sa nangyaring sunog sa isang townhouse sa Quezon City nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi ni F/Senior Inspector Rowell Yarcia ng Bureau of Fire Protetion (BFP), bandang alas-4:09 ng hapon nang magsimula ang sunog sa three-storey residential sa No. 138 Sct. Rallos sa Barangay Sacred Heart sa lungsod.
Ayon sa kanyang kaanak, tinangka pang akyatin ng caregiver ang lola subalit mabilis ang pagkalat ng apoy.
Wala namang nadamay na ibang kabahayan sa sunog dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero.
Samantala, inilikas naman sa ligtas na lugar ang 11 matanda na nakatira sa katabing Home for the Aged Facility.
Inaalam na rin ng arson investigator ang sanhi ng sunog na naapapula bandang 5:20 ng hapon.
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Pagpapatupad ng UPDWIS suportado ng QC PDAO
Nov 7, 2026
Sunog sumiklab sa Tondo; 140 pamilya naabo bahay
Nov 7, 2026

