Speaker Romualdez Tinanggap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang 5-Point Manifesto ng Tayo ang Taya Youth Coalition mula kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre at mga kabataang lider sa simpleng turnover ceremony na ginanap Miyerkules ng hapon sa Speaker’s Office sa Kamara de Representantes. Kuha ni VER NOVENO

TINGOG suportado TAYA Coalition sa layunin na palakasin boses ng kabataan

397 Views

MAINIT na tinanggap ng TINGOG Party-list ang mga lider-kabataan mula sa Tayo ang Taya (TAYA) Coalition sa kanilang pagbisita sa Kamara de Representantes bilang suporta sa layunin ng grupo na palakasin ang boses ng kabataan at isulong ang kanilang pakikilahok sa paggawa ng batas.

Ang TAYA Coalition ay binuo ng mga student leaders at youth advocates mula sa iba’t ibang nangungunang unibersidad sa bansa. Kamakailan, isinagawa nila ang YANIG: A Youth Summit at the University of the Philippines Diliman kung saan mahigit 200 youth leaders ang nagtipon upang talakayin ang mahahalagang isyu at bumuo ng 5-point Youth Manifesto para sa ika-20 Kongreso.

Sa kanilang courtesy visit, kinatawan ng TINGOG Party-list si Rep. Jude Acidre, na siya ring tagapangulo ng House Committee on Higher and Technical Education at commissioner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

“We are encouraged and inspired by the clarity, courage, and conviction of these young leaders,” ayon kay Acidre. “As a Party-list that has long championed inclusive governance and youth development, TINGOG is proud to support TAYA’s vision of a future shaped by the voices of the young.”

Kabilang sa mga dumalo mula sa TAYA ang mga convenor na sina Wacky Racho, Joachim Ridulme, Carmella Gabriel, Angelo Rei dela Cruz, at Nina San Andres. Nakiisa rin sa pagbisita ang mga kalahok ng summit na sina Nestie Villaviray, tagapagtatag ng Model SK; Gabriel Chan mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP); Arvin Capiral, SK opisyal ng Barangay Vasra sa Lungsod Quezon; at Angelica Lina ng Batangas State University.

Muling iginiit ng TINGOG na gagawing panukalang bats ang mga panukalang inilatag ng mga kabataan upang maisulong ang kanilang kapakanan.

Ayon kay Acidre, karamihan sa nilalaman ng TAYA manifesto—gaya ng reporma sa edukasyon, suporta sa mental health, good governance , at maingat na paggamit ng teknolohiya—ay kasabay ng agenda na isinusulong ng TINGOG sa 20th Congress.

“TINGOG believes that policymaking must be grounded in dialogue and democratic participation,” ani Acidre. “We welcome the TAYA Youth Manifesto not just as a policy document, but as a call to action—one that we are ready to respond to.”

Nagpahayag ng kahandaan ang TINGOG na makipagtulungan sa TAYA Coalition para suriin at ayusin ang mga pangunahing mungkahi mula sa manifesto bago ihain sa Kongreso.

“Young Filipinos have always been agents of change,” dagdag ni Acidre. “TINGOG will continue to be a platform where their ideas can take root, and their advocacy can make a lasting impact.”