Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
MPD1 Pinangunahan ni Police Lt.Col. Arwen Nacional, commander ng MPD Barbosa Police Station 14 ang panunumpa sa Quran ng mga Muslim tribal leaders sa Quiapo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Nacional pinangunahan panunumpa sa Quran ng mga tribal lider sa Quiapo

Jon-jon Reyes Aug 13, 2025
428 Views

PINANGUNAHAN ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station14, ang panunumpa sa Quran sa pagitan ng mga pinunon ng tribal groups sa Quiapo kaugnay sa pagkakaisa tungo sa kapayapaan.

Ang panunumpa ay ginanap nitong Miyerkules sa harap ng Barbosa Police Station sa A. Bautista Street corner Escaldo, Quiapo, Manila.

Ang aktibidad ay dinaluhan nina Haron Angne , Grand Imam ng Manila Golden Mosque and Cultural Center; Datu Al Sultan Alamada, Muslim leader ng Maguindanaon Tribe; Abdulnasser Malaco Buscan, Muslim leader ng Maranao Tribe; Gafor Barangay T. Languindab 9 at iba pang stakeholder ng Barangay T. Languindab ng Gafor 3.,

Ayon kay PLt.Col. Nacional, binibigyang-diin ng mga pagsisikap na ito ang pangako ng PNP sa pagbuo ng tiwala at pakikipagtulungan sa komunidad ng Muslim.

Kasama rin sa mga dumalo sina PLt.Alma A Dipasupil, chief ng SCADS, PLt. Mareil D ViIÑas, chief ng Womens Children Concern Section (WCCS) at PLT. Carl Llyod T Mupas,, ng Alpha Sector Commander.