Allowance para sa Iskolar ng Bataan ibinigay
Sep 3, 2026
Calendar
Nation
Presyo ng krudo magmumura; gas magtataas
Edd Reyes
Aug 18, 2025
485
Views
TATAAS ng 60 sentimos kada litro ng gasolina habang bawas-presyo naman ang diesel at kerosene simula alas-6:01 ng umaga ng Martes.
Sa abiso ng Petron Corporation, Chevron Philippines, Pilipinas Shell, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Phoenix Petroleum at Flying V, tatapyasan nila ng 80 sentimos kada litro ang diesel at 90 sentimos kada litro ang kerosine simula alas-6:01 ng umaga.
Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ang pagpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga lokal na kompanya ng langis sa bansa ay bunsod ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

