Isko

Lumang ospital na gagawing bagong PLM building tapos in 2 yrs– Yorme Isko

Edd Reyes Aug 19, 2025
260 Views

UMAASA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa loob ng dalawang taon matatapos mai-convert ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila bilang bagong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Academic Building for Health Sciences.

Nag-plano na si Yorme Isko sa una niyang term na gawing extension ng PLM ang lumang Ospital ng Maynila matapos magawa ang 10-palapag na bagong Ospital ng Maynila.

Sinabi ng alkalde na layunin niyang matugunan ang pangangailangan ng mas malawak na unibersidad at mapalaki ang bilang ng mga magtatapos na mga health professionals.

“We will continue producing more doctors, we will continue helping in nation-building. The growth of PLM in production of quality students will be stunted in the absence of space,” pahayag ng alkalde.

Aayusin at babaguhin ang disenyo ng lumang ospital upang maging silid-aralan, laboratory pati na ang pangangailangan kagamitan ng mga estudyante, ayon sa mayor.

“This is not just about the building, it’s about the school. We want to finish it in the next two years,” pagtiyak ng alkalde.

Pinasalamatan ni Mayor Isko ang PLM Board of Regents, pati na ng kanilang city engineers at arkitekto, na gumawa ng plano para sa proyekto.