LPA

LPA papalapit sa Luzon

223 Views

MAY posibilidad umanong maging tropical cyclone sa loob ng 24 na oras ang isang low pressure area (LPA) na matatagpuan sa silangan ng Aurora ang papalapit sa Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) ang LPA ay nasa layong 510 kilometro silangan ng Baler, Aurora, alas 8 ng umaga nitong Huwebes.

Pinayuhan ang publiko na subaybayan ang mga update mula sa state weather bureau.

Sa pagtataya nito alas 4 ng umaga, sinabi ng PAGASA na ang labangan ng LPA ay maaaring magdala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Bicol, Calabarzon, Cagayan, Isabela, Aurora, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran.

Ang mga flash flood o landslide ay posible dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.