Pic2

Chairman Asistio hinikayat MMDA na simulan drainage, water system masterplan

362 Views

HINILING ng House Committee on Metro Manila Development chairman at Caloocan City 3rd District Rep. Dean Asisitio sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na simulan ang paggawa ng isang komprehensibong masterplan para sa drainage at water system sa Metro Manila.

Sinabi ni Asistio na panahon na para balangkasin ng MMDA ang isang comprehensive at integraded drainage and water system master plan upang magkaroon ng malinaw na program of works, infrastructure projects at policy measures ang ahensiya sa tuwing bumubuhos ang malalakas na ulan na sanhi ng mga pagbaha sa iba’t-ibang panig at lugar sa Metro Manila na pinalala ng nagkalat na mga basura.

Ayon sa kongresista, matagal na at taon-taon na lamang nagsasakripisyo ang taumbayan dahil sa matinding mga pagbaha sa Kalakhang Maynila.

Bukod sa malaking pondo na ang nailabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi epektibo ang mga naunang hakbang para sa flood control lalo na ang pagsasayos ng mga kalsada at kanal.

Hindi na rin uubra pa ang kaniya-kaniyang proyekto para resolbahin ang problema ng mga pagbaha, ayon may Asistio.

Binigyang diin ni Asistio na: “Kailangan natin ngayon ay isang comprehensive at integrated master plan to arrest the problem of perennial flooding in Metro Manila. We cannot work in solo. Hindi rin po puwede na hindi interconnected ang ating mga drainage systems. Kailangan po dito whole of government approach coupled with science-based engineering at infrastructure projects. Kailangan po natin dito ng sense of shared-responsibility and common action, and this will begin if we have a uniform masterplan.”

Sa pananaw ng kongresista, mas maganda kung pangungunahan mismo ng MMDA ang paggawa ng drainage masterplan upang maging “integrated” ang nasabing inisyatiba hindi lamang sa isang barangay o local government unit kundi para sa buong Metro Manila.

“As the Metro Manila coordinating body, the call of times compels us to look at the heart of the matter from a comprehensive and integrated approach. Kailangan pong magsama-sama ang mga Metro Manila Mayors, DPWH, mga eksperto, ang academe at iba pang stakeholders para once and for all, we will be on the same page. Kailangan po natin ngayon ng pinagsama-samang galing at husay. Mahirap po kung iba-iba o hiwa-hiwalay ang ating mga feasibility studies, detailed engineering designs, at iba pang project components. Kailangan po natin ng isahang solusyon sa problemang ito.” wika pa ni Asistio.

Dahil dito, pangungunahan sa order of business ng Committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Asistio ang paghahain ng isang resolusyon na humihikayat sa MMDA na gumawa ng isang komprehensibong masterplan sa buong NCR.

Buo rin ang paniniwala ni Asistio na susuportahan ito ng kanyang mga kapwa mambabatas at mga alkalde sa Kamaynilaan.