Wanted

3 suspek sa krimen sa Oriental Mindoro nasakote

Helen D. Prado Aug 24, 2025
294 Views

KAMPO BGEN EFIGENIO C NAVARRO, Calapan–Nahuli ng mga pulis ng Police Regional Office (PRO)-MIMAROPA ang tatlong suspek sa krimen noong Agosto 13.

Nakilala ang tatlong natimbog na sina alyas Jael, 33; Jalani, 51; at Peter, 27.

Naaresto si Jael sa Dao St., Brgy. Sto. Niño, Calapan City, Oriental Mindoro ng mga tauhan ng Calapan City police dahil sa paglabag ng dalawang beses sa RA 8042 na sinusugan ng RA 10022 (illegal recruitment) at paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Naaresto sa Brgy. Punang ng mga pulis ng Sofronio Española police si Jalani dahil sa attempted murder.

Naaresto sa Purok Kapalaraan, Brgy. Luzviminda, Puerto Princesa City, Palawan si Peter dahil sa cyber libel.