Julia

Julia, magpapabunot ng ngipin sa V-Day

289 Views

Mapapaaga ang celebration ng showbiz lovebirds na sina Julia Barretto at Gerald Anderson ng Valentine’s Day.

Ayon kay Julia sa digital mediacon ng pinagbibidahag horror film na Bahay na Pula, magpapabunot siya ng ngipin sa Araw ng mga Puso.

“Meron akong scheduled wisdom tooth removal ng Feb. 14, so wala akong exciting to share about Valentine’s Day,” aniya.

She added, “I’ll probably celebrate Valentine’s the day before.”

Samantala, inamin ng akres na takot siyang gumawa ng horror film at sinabi nga niya ‘yun sa direktor nilang si Brillante Mendoza.

“’Direk, takot ako, baka may sumunod sa akin after or baka may magparamdam sa set.’ Kasi I remember when my Tita did sort of like a thriller-suspense or horror yata ‘yun, I think it was caught on camera na may nangyari sa kanya while take.

“So, ever since, natakot na ako sa horror nu’n,” she said.

Pero gusto raw niya talagang gawin ang project lalo pa nga’t si Direk Brillante ang makakatrabaho niya with Xian Lim na first time niya ring makakasama and Marco Gumabao na best friend niya.

“Promise naman ni Direk, while we’re shooting it, hindi naman siya ganu’n ka-scary. It’s not as scary as when you’re watching the film and true enough. And I always had a rosary with me in my bag wherever I was. So, ‘yun na lang ang pinanghawakan ko nu’n,” ani Julia.

Mapapanood ang Bahay na Pula simula sa February 25 sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at USA.

HIDWAAN, NAMUMUO SA PAMILYA

May namumuong hidwaan sa pamilya. Nagharapan sina Kakay (Dimples Romana) at ang anak na si Rica (Charlie Dizon) matapos malamang tinanggap nito ang trust fund at kwintas galing sa tunay na ama nitong si Troy (Jake Cuenca) sa Viral Scandal.

Alam ni Kakay na nag-iba ang tingin ni Rica sa tunay nitong ama matapos ang kanilang paghahanap kay Raven (Kaila Estrada) ngunit hindi ito batayan para papasukin nito si Troy sa kanilang buhay.

Sinabi naman ni Rica na hindi naging madali ang kanyang desisyon. Mas humirap pa ito nang malaman niyang nagsinungaling si Kakay at sinabing iniwan silang mag-ina ni Troy noong sanggol siya.

Katunayan, hindi siya kinalimutan ng ama at minahal siya kung kaya’t nag-iba ang kanyang pananaw.

Gayunpaman, alam niyang masasaktan si Dan (Miko Raval) kapag pinapasok niya si Troy sa kanyang buhay. Nagda-dalawang-isip pa rin siya kung ibabalik ba niya kay Troy ang naturang trust fund at kwintas.

Samantala, tanggap na ni Audrey (Maxene Magalona) na kailangan niya sundin si Troy para maayos ang kanilang pagsasama.

Papayag na siyang papasukin si Rica sa kanilang buhay at kilalanin ito bilang anak ng asawa.

Ang Viral Scandal ay nasa ilalim ng direksyon nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo at produksyon ng RCD Narratives.

Napapanood ito gabi-gabi, 9:20, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. Ni Vinia Vivar