Calendar
1 sa 2 suspek sa pagpatay sa lalaki sa QC hotel dinampot
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa dalawang suspek sa pagkamatay ng isang lalaki sa loob ng isang hotel sa Cabao nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa report naaresto ang 20-anyos na suspek na kinilala sa pangalang alias “James” sa isang follow up operation na isinagawa ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Cubao Police Station 7.
Natunton ang suspek bandang 10:45 ng umaga nitong Biyernes sa tapat ng isang fastfood chain sa Bagong Barrio, Caloocan City.
Nakatakdang sampahan ng mga kasong Robbery with Homicide and violation of R.A. 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972) ang naarestong suspek.
Napag alaman na tinangay din ng mga suspek ang motorsiklong gamit ng biktima.
Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa isa pang suspek.
Ang 38-anyos na biktima ay natagpuang nakagapos ang magkabilang kamay at paa at may busal sa bibig sa loob ng hotel na matatagpuan sa Annapolis St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City bandang 8:12 ng gabi nitong Huwebes (August 28).
Batay sa imbestigasyon ni P/SSG Angel T Pascasio III, lumalabas na regular guest sa nasabing hotel ang biktima at halos isang linggo na itong nanunuluyan doon.
Noong Agosto 26, bandang 8:00 ng gabi, ang biktima, kasama ang mga suspek, ay nag-check in sa Room 543.

