Calendar
VM Atienza: Pwede mag-ampon ng aso, pusa mula Vitas Pound
NANAWAGAN si Manila Vice Mayor Chi Atienza sa mga animal lovers at non-governmental organizations (NGOs) na bumisita sa Vitas Pound sa Tondo, Manila kung saan maaari silang pumili ng aso at pusa na pwede i-adopt.
“Para po sa mga animal lovers na gaya ko, ako po ay nakikiusap sa inyo. Sana i-adopt n’yo po ang mga aso at pusa na nandoon ngayon sa Vitas Animal Pound,” panawagan ni VM Atienza.
“Mayroon po doong mga cute na aso at pusa na naghihintay na sila ay matanggap at mahalin ng mga pamilya na talagang mag-aalaga sa kanila,” dagdag pa niya.
Ginawa ng alkalde ang panawagan nang personal siyang bumisita sa Vitas Pound at nakita ang kondisyon ng mga aso at pusa na nangangailangan ng pagmamahal.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng pasilidad ang mga aso at pusang ligaw na kinuha ng Vitas Pound sa lansangan upang ihanap ng mag-aalaga sa kanila.

