Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Arwen Nacional, commander ng Manila Police District Barbosa Police Station 14, ang mga suspek na naaresto sa inilatag na buy-bust operation sa Quiapo, Manila.
Mga kuha ni JON-JON C. REYES
Empleyado ng DPWH, crew ng resto arestado sa 16 gramo ng shabu
ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki sa inilatag na anti-illegal drug buy-bust operation matapos masamsam ang 16 gramo ng shabu, Miyerkules sa Quiapo, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Alexander,” 56-anyos, empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagtatrabaho bilang declogger at nakatira sa Barangay 385, Zone 39, Quiapo; at alyas “Angelo,” 27-anyos na binata, restaurant crew at residente ng Brgy. 180, Miramonte Heights, Caloocan.
Ayon sa ibinigay na report ni PLt. Col. Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station 14, bandang 1:30 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon ng SDEU sa pamumuno ni PLt. Cleveland Mananghaya sa may Quezon Boulevard, Barangay 394, Quiapo.
Base sa isinagawang operasyon, si PSSg. Jay-ar Jun C. Bravo ang nagsilbing poseur buyer at matagumpay na nakabili ng isang heat-sealed transparent plastic ng pinaghihinalaang shabu mula sa suspek.
Gumamit ang pulis ng dalawang P100 bills na may pulbos bilang buy-bust money.
Narekober din mula sa mga suspek ang karagdagang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.
Dahil dito, kapuwa nahaharapa ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at ire-refer sa Manila City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.
Ayon kay Nacional, ang kanilang patuloy na operasyon at walang humpay na patrolling sa kanilang area of responsibility ay kabilang sa programa ni acting Philippine National Police Chief PLt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. na pinaigting na kampanya laban sa wanted persons at ilegal na droga.

