Santos

Pagpili sa susunod na Ombudsman nakabatay sa kakayahan, integridad, di sa politika

219 Views

NANAWAGAN si Las Piñas City Rep. Mark Santos sa kanyang mga kapwa lingkod-bayan at sa publiko na igalang ang proseso ng Saligang Batas sa pagtatalaga ng susunod na Ombudsman, na nakasalalay lamang sa Pangulo at dapat batay sa kwalipikasyon at integridad, hindi sa politika.

Sa gitna ng ulat ng pagtutol sa posibleng pagtatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, iginiit ni Santos na mahalaga ang mandato ng Ombudsman at hindi dapat maapektuhan ng politika.

“The Ombudsman is the people’s shield against corruption and abuse. This position requires independence, competence, and integrity. These are the standards by which the President must make his choice—not politics,” diin ni Santos.

Binigyang-diin ng mambabatas ang mahabang karanasan ni Secretary Remulla sa paglilingkod publiko, batas, at pamamahala bilang mga katangiang nagpapakita na kaya niyang pangunahan ang Tanggapan ng Ombudsman.

Bago ang pagtatalaga sa DOJ, tatlong termino na nagsilbi si Remulla bilang kongresista at dating gobernador ng Cavite, kung saan pinangunahan niya ang pagsasabatas sa disaster resilience, digital governance, at anti-red tape.

“Secretary Remulla’s proven experience in law and justice equips him well to take on the responsibility of holding public officials accountable. What matters most is his capacity to uphold the rule of law without fear or favor,” dagdag ni Santos.

Tiniyak ng mambabatas na makikipagtulungan ang House of Representatives sa Office of the Ombudsman, sino man ang maitalaga, upang palakasin ang mga batas na nagtataguyod ng transparency, pananagutan, at mahusay na pamamahala.

“We owe it to the Filipino people to support the Ombudsman in fighting corruption. Let us not politicize this process—our focus should be on ensuring that the Office remains strong, independent, and truly for the people,” wika pa ni Santos.