Yorme Pinangunahan ni General Trias City Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV ang pagbabasbas ng bagong itinayong apat na palapag na school building ng Santiago Integrated National High School (SINHS) noong Huwebes.

Bagong school ibinigay ng GenTri sa SINHS

Dennis Abrina Sep 5, 2025
264 Views

DCAGENERAL TRIAS CITY, Cavite–Nag-turnover ang syudad na ito ng 16-classroom school building sa Santiago Integrated National High School (SINHS) noong Huwebes sa Brgy. Santiago dito.

Sina Mayor Luis “Jon Jon” Ferrer, Vice Mayor Jonas Labuguen at iba pang opisyal ng lungsod at GenTri DepEd officials ang nanguna sa turnover kasama nina School Division Superintendent (SDS) Ivan Brian Inductivo, CESO VI at Assistant School Division Superintendent (ASDS) Rogin Contemprato

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Dr. Cecilia C. Papa, principal III, para sa donasyon na naging daan para sa magandang silid-aralan.

Dagdag pa ni Mayor Ferrer, ang karagdagang 16 na silid-aralan sa bagong itinayong 4-palapag na gusali sa 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗶𝗮𝗴𝗼 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗮𝘁𝗲𝗗 Ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 ay isang malaking kaginhawahan para sa 3,000 Junior High School students.