Senador

Mga senador umaalma sa agwat ng sweldo sa NCR, probinsiya

381 Views

UMALMA ang ilang senador sa lumalaking agwat ng sahod sa National Capital Region at mga probinsya kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin nanagpapa-aray sa ating mga kababayan.

Giit ni Sen. Raffy Tulfo, dapat ipatupad ang across-the-board minimum wage sa buong bansa.

“Ang masakit pa, marami sa mga taga-probinsya ay naliliitan sa sweldo doon kaya lumuluwas sila sa Metro Manila pero pagdating sa Maynila, napakarami ring manggagawa kaya yung iba ay napupunta rin sa kumpanya na nagpapasahod ng minimum wage,” aniya.

Binatikos din niya ang Department of Labor and Employment sa kabiguan nitong ipatupad ang wage law at binalaan na ide-defer ang budget kung walang mananagot.

Samantala, isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano ang LabCom Act para bumuo ng wage policies na angkop sa bawat industriya at rehiyon.

Si Sen. Risa Hontiveros ay muling nanawagan ng dagdag-sahod para sa mga guro na P15,000 sa tatlong yugto at benepisyo sa ilalim ng Healthy Buhay at Hanapbuhay Para sa Guro Act.

Aminado si Sen. Imee Marcos, chair ng labor committee, na malaki ang diperensya ng sahod sa BARMM.

Babala naman ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, posibleng maapektuhan ang trabaho kung gawing sentralisado ang wage-setting.

Pero giit ng labor groups, bigo ang regionalization na protektahan ang manggagawa.

“Ang kinakain nyo sa Metro Manila ay parehas din ang kinakain namin sa probinsya,” sabi ng isang labor leader.