Calendar
Source: FB
Protesta isinagawa sa harap ng Kamara, 6 pulis nasugatan
BAHAGYANG nasugatan ang anim na pulis kabilang si Quezon City Police District (QCPD) acting director, Police Colonel Randy Glenn Silvio matapos pagbabatuhin ng putik at pintura ng mga raliyista sa harap ng House of Representative South Gate, IBP Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Biyernes ng umaga.
Bukod sa QCPD chief, nasugatan din sina P/Col Joel A Villanueva, DDDA; P/Lt. Col. Rossel Cejas, DID; P/Lt. Col. Romil C Avenido, hepe ng PS 6; P/Lt. Col. Edgar V Batoon, OIC DMFB Commander; at Patrolman Cimiar G Abastilla, DMFB personnel
Sa imbestigasyon ni P/SSg Dizon Gorgonia ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, bandang alas-10 ng umaga nitong Biyernes (September 5), nang maging marahas at magulo ang demonstrasyon ng mahigit 300 raliyista mula sa PLM, Kabataan Partylist, Selda, KMU – COURAGE, PANDAY SINING, ANAKPAWIS, ACT TEACHERS, BAYAN MUNA, SINAGBAYAN, GABRIELA, MIGRANTE, KALIKASAN, KADAMAY, PISTON at iba pa.
Dito ay pinagbabato ng putik at pintura ang mga pulis na nagdulot ng pinsala sa mga nasabing opisyal ng QCPD na nakamonitor sa rally.
Gayundin, nagdudulot ng matinding trapiko sa kahabaan ng IBP Road, Brgy. Batasan Hills, dahilan upang ipinatupad ng mga pulis ang maximum tolerance at nagawang patahimikin ang kaguluhan, at na-dispersed ang asembliya alas 11:00 ng umaga.
Nahaharap sa kasong paglabag Batas Pambansa Blg. 880 (The Public ssembly Act of 1985), Art. 155 of the RPC (Alarms and scandal), Art. 151 of the RPC (Resistance and Disobedience) and Art. 148 of the RPC (Direct Assault) against ang mga nasabing grupo matapos na walang maipakitang anumang permit sa kanilang asembliya.

