Just In

Calendar

May 2024
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
PCSO

2 hati sa P34.8M jackpot ng Lotto 6/42

129 Views

DALAWA ang naghati sa P34.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Hulyo 7.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga nakakuha ng winning combination na 09-10-42-08-13-41 ay tumaya sa San Jose, Occidental Mindoro at Tanay, Rizal.

Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 88 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P800 naman ang 3,286 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P20 ang 48,934 na nakatatlong numero.