Calendar
Iniharap ni MPD Chief Arnold Abad ang suspek sa rape matapos makorner ng mga operatiba ng MPD-DPIOU sa pamumuno ni PMajor Kevin Rey Bautista sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES
MWP sa NCR huli ng MPD sa kasong rape sa Tondo
ANG umano’y kabilang sa Top 5 most wanted sa National Capital Region ay inaresto ng mga operatiba ng MPD-District Police Intelligence and Operations Unit Biyernes ng hapon sa Brgy 106 sa Tondo, Biyernes ng hapon.
Kinilala ni MPD Director Police Brig.General Arnold Abad ang naarestong suspek na si alyas TJ, 25, jobless, at naninirahan sa Rodriguez St. Balut, Tondo, Manila..
Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng MPD-DPIOU, bandang 5:25 p.m. nang makorner ang akusado ng mga operatiba sa pamumuno ni PLt. Ryan O Valenzuela, kasama ang mga kapulisan ng MPD Delpan PS. 12 sa pangunguna ni PLt.Ferdinand Omli.
Ang Anti Crime Law Enforcement Operation (SACLEO) ay isinagawa sa direktiba ni MPD Chief Abad.
Ang akusado ay kabilang sa talaan ng Top 5 Regional Most Wanted Persons at nahaharap sa kasong rape. May warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ni Judge Phrincess Marloween Bajarias-Hermogeno, ng Family Court Branch 6 sa Maynila.
Ang naarestong akusado ay pansamantalang nakakulong sa MPD Integrated Jail.

