Calendar
Most wanted dinampot sa pagmolestiya sa dalagita
MATAPOS mang-molestiya ng menór de-edád na dalagita, malamig na rehas na ngayon ang hinihimas ng 42-anyos na lalaki na natiklo ng mga pulis noong Sabado sa Muntinlupa City.
Inatasan ni Muntinlupa City Police Chief P/Col. Robert Domingo ang mga tauhan niya na hulihin si alyas “Ranielle” na No. 1 most wanted person sa siyudad nitong buwan. Nahuli ang suspek sa Barangay Alabang pasado alas-3 ng hapon, ayon sa report.
May direktiba si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa mga pulis na tugisin ang mga kriminal, lalo na ang mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen, tulad ni Ranielle na nahaharap sa mga kasong qualified rape at apat na bilang ng lascivious conduct.
Nasukol ang suspek sa tulong ng warrant of arrest na inilabas ni Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Philip Acosta Aguinaldo ng Branch 207.

