Calendar
Source: FB file photo
Isa sa 2 suspek na bumaril, nakapatay sa nag-counterflow huli
NAARESTO na ng pulisya ang isa sa dalawang naka-motorsiklong suspek na bumaril at nakapatay sa 30-anyos na rider matapos makaalotan alitan sa kalsada noong gabi ng Agostot 31.
Kinilala ni QCPD Acting Director, P/Col. Randy Glenn Silvio, ang nadakip na suspek na si alias “Kenneth,” 28 at residente ng Brgy. 28, Caloocan City.
Base sa imbestigasyon, alas 8:30 ng gabi noong August 31, sakay ng motor, binaybay ng biktima ang Quirino Highway sa harap ng Mercury Drug Store malapit sa Salazar Drive, Brgy. Balon Bato, Quezon City, at ibinaba ang angkas na misis malapit sa 7-Eleven store.
Nang maibaba ng biktima ang asawa ay agad itong umalis at nagcounterflow sa lugar kung saan nasalubong ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motor.
Nagalit ang tandem at kinompronta ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig.
Dahil dito, bumaba ang biktima sa kaniyang motor subalit agad siyang pinaputukan ng baril ng mga suspek.
Matapos ay agad tumakas ang tandem habang isinugod naman ang biktima sa Quezon City General Hospital (QCGH), subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.
Sasampahan ng kasong murder ang nahuling suspek habang tinutugis pa ang kasamahan nito.

