Edd Reyes

Kalusugan ng mga batang estudyante prayoridad ng Navotas LGU

Edd Reyes Sep 10, 2025
511 Views

MALAWAK ang naging talakayan sa ginanap na pagpupulong sa Makati City ng mga eksperto sa kalusugan mula sa pitong bansa itinaguyod ng Consumer Choice Center (CCC).

Layunin nito na suriin ang inilatag na pamamaraan ng World Health Organization (WHO) sa pagkontrol ng tabako at tuklasin na rin ang paraang nakabatay sa ebidensiya para mabawasan ang pinsalang makakaapekto sa ekonomiya ng mga bansang nasa Timog-Silangang Asya, pati na paglalatag ng mga alternatibong paraan para mabawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo.

Ayon kay Fred Roeder, pangulo ng CCC, maraming bansa ang nagkaroon ng magkakaibang resulta sa mga patakaran, programa, at kasanayan na naglalayong bawasan ang mga negatibong epekto sa kalusugan, sa lipunan at sa legal na aspeto kaugnay sa paninigarilyo na hindi pa natutuklasan sa mga bansa sa Timog Silangan.

Iprinisinta naman ni Christopher Cabuay, Associate Professor of Economics sa De La Salle University, ang datos na nagpapakita ng bigat ng gastusing dulot ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo sa ekonomiya ng Pilipinas. Aniya, umabot ng humigit-kumulang sa $9.8 bilyon kada taon ang gastos mula sa mga sakit na ito noong 2019 na katumbas ng 2.48% ng GDP.

Sabi naman ni Nancy Loucas ng New Zealand, kapag hinigpitan o ipinagbawal ang paggamit ng tabako, hahanap ng paraan ang mga nahuhumaling dito na dahilan para tangkilikin nila ang mga puslit na tabako na dahilan para lumiit ang kita ng gobyerno sa buwis.

Ayon naman kay Dr. Rohan Savio Sequeira ng India, kung ipatutupad sa kanilang bansa ang mga polisiya sa tobacco harm reduction, mailigtas ang 35–40 milyong buhay sa loob ng 30 taon na kumakatawan sa napakalaking potensyal na halaga sa ekonomiya ng kanilang bansa.

Ipinakita naman ni Michael Landl mula sa World Vapers’ Alliance kung paano lumilikha ang risk-based taxation economic incentives para sa pagbabago ng gawi habang napapanatili ang kita ng pamahalaan.

Nanawagan ang mga eksperto na ganap na pagsamahin ang pagbabawas ng pinsala sa pagkontrol ng tabacco dahil malinaw naman na hindi nikotina kundi ang usok ang nakakapinsala kaya’t dapat na magkaroon ng alternatibo at epektibong polisiya para maisulong ang malusog na pangangatawan.

Akamegane Kitchen sa Tanza Elementary School, inilunsad

KALUSUGAN ng mga batang estudyante ang target ng kasunduan sa pagitan ng Navotas City at ng A Child’s Trust Is Ours To Nurture (ACTION), Inc. na inilunsad sa naturang lungsod.

Sabi ni Mayor John Rey Tiangco, malaking tsansa para sa mga batang mag-aaral na marating ang kanilang ambisyon kapag malusog ang pangangatawan kaya malaki ang kanyang pasalamat kay ACTION Inc. founder Hajime Yokota, pati na sa mga tumutulong sa kanila.

Nakasaad sa kasunduan na ang ACTION ang gagastos sa pagpapatakbo ng itinatag nilag Akamegane Kitchen sa Tanza Elementary School na magkakaloob ng malusog na pagkain sa 100 benepisyaryo habang ang City Social Welfare and Development Office at Cit Health Office ng lungsod naman ang bahala sa pagpo-proseso ng permiso, pagsasanay, at iba pang tulong.

Pinasalamatan ni Mayor Tiangco ang grupo at kanilang donors sa napakagandang programa sa kanilang lungsod lalu’t angkop ito sa kanyang pangako na mapangalagaan ang kapakanan at edukasyon ng mga bata.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa eddreyes2006@yahoo.com