Calendar
BoC hindi dapat ma-distract sa mga political developments
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Glenn Raganas, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz at kay Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
God Bless!
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
***
MUKHANG lumala na ang kaso ng mga tinatawag na ma-anomalyang flood control projects.
Nabulgar na ang mga pangalan ng mga sangkot sa anomalya sa ginagawang pagdinig ng Senado at Kamara de Representante.
Ang publiko naman ay nalilito kung sino ang nagsasabi ng katotohanan na dapat paniwalaan.
Ang kawawa dito ay ang mga taong nagpapagamit para siraan ang mga kalaban sa politika.
Halata naman ng taumbayan kung sino ang mga taong ito.
Sa tingin natin, hindi na nakakatulog sa takot at nerbiyos ang mga taong ginagamit na pang-kanyon sa inosenteng kalaban.
Natatawa na lang tayo habang humaharap sa imbestigason ukol sa flood control projects.
Hindi nila alam kung ano ang isasagot sa mga tanong.
***
Hindi dapat ma-distract ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa kanilang mga trabaho.
Kung hindi, baka maaapektuhan ang trabaho ng mga opisyal at kawani ng BOC na pinamamumunuan ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno.
Kailangang huwag silang makisawsaw sa mga political developments sa bansa, kasama na ang ginagawang imbestigasyon sa Kongreso.
Nandiyan naman ang concerned government offices and agencies para ayusin ang mga problema sa bansa.
Kayang-kaya nilang imbestigahan ang mga nangyayari umanong kalokohan sa mga proyekto.
Kaya, dapat ituon lang ng mga taga-BOC ang kanilang pansin sa pangongolekta ng buwis at taripa sa mga importasyon.
Tigilan na ang paggawa ng bagay na makasisira sa imahe ng ahensya.
Ang ibig natin sabihin ay kalimutan na nila ang paboritismo, panlalamang sa kapwa at pandaraya.
Kapag nagalit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr ay baka walisin silang lahat diyan sa aduana.
Kumita nga sila sa kalokohan, pero baka mawalan naman sila ng trabaho.
Malamang makulong pa kayo sa mga ginagawa niyong kalokohan.
Kaya mas mainam pa na pagsisipain na ni Comm. Ariel ang mga natitirang ahas diyan sa BOC.
***
Nakalukungkot naman na may mga taong gumagamit ng“balikbayan boxes” para magparating ng mga kontrabando sa bansa.
Kawawa naman ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil nagagamit ang mga balikbayan boxes para magpalusot.
Ang mahirap, baka maghigpit pa ang gobyerno pagdating sa balikbayan boxes.
Ang mga balikbayan boxes kasi ay hindi pinapatawan ng buwis bilang tulong sa ating mga OFWs.
Alam kasi ng gobyerno na panay regalo sa mga kamag-anak at kaibigan ang laman ng bawat balikbayan box.
Karamihan, once a year lang naman nagpapadala ng Christmas gifts ang OFWs sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

