Vic Reyes

Senado, Kamara kailangang imbestigahan flood control projects

Vic Reyes Sep 7, 2025
595 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Glenn Raganas, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata na patuloy na naka-agapay sa mga kababayan nating Filipino sa Japan.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

***

Marami ang nagsasabing tigilan na ng Senado at Kamara de Representantes ang ginagawang imbestigasyon sa flood control projects.

Pabayaan na lang daw sa binubuong independent commission na magsagawa ng imbestigasyon sa mga proyektong ito.

Hindi puwede ang panawagang ito dahil magkaiba ang congressional investigation at trabaho ng independent commission.

Huwag natin kalimutan na ang congressional investigation ay ginagawa in “aid of legislation.”

Isinasagawa ng mga senador at kongresista ang imbestigasyon para makabalangkas ng mga bagong batas.

Iniimbestigahan nila ang mga flood control projects para alamin kung paanong hindi na maulit ang mga diumano’y ma-anomalyang mga proyekto.

Sa totoo lang, ang paggawa ng batas ang pangunahing trabaho ng mga senador at kongresista.

Ang trabaho naman ng independent commission ay upang alamin kung sinu-sino ang mga sangkot sa mga palpak na flood control projects.

Maghahanap sila ng mga ebidensiya para makasuhan sa korte ang mga may kasalanan.

Inuulit natin. Iba ang trabaho ng Kongreso at iba rin ang mandato ng independent probe commission.

Hindi puwedeng tumigil ang Senado at Kamara de Representantes sa mga ginagawa nilang imbestigasyon.

Sa totoo lang, ang resulta ng congressional investigations ay puwedeng gamitin ng komisyon.

Malaking tulong sa binubuong independent commission ang magiging findings ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Makatutulong at hindi makagugulo ang imbestigasyon ng mga mambabatas.

Tama ba kami, House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez?

****

Nagagampanan pa ba ni Vice President Sara Duterte ang kanyang trabaho bilang lingkod-bayan?

Tinatanong natin dahil abalang-abala siya sa pagtulong kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” R. Duterte.

Sa bigat ng mga problema ng mga Duterte, nakakatulog pa kaya si Sara Duterte?

Maliban sa kaso ng kanyang ama sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague ay nandiyan rin ang hindi niya lubos na maipaliwanag kung paano ginastos ang kanyang “intelligence fund.”

Hinihintay pa rin ang desisyon ng Korte Suprema sa MR (motion for reconsideration) na inihain ng ilang grupo sa desisyon na ibasura ang impeachment rap.

Ang mga mosyon na ito ay humihiling sa SC na baligtarin ang desisyon na nag-declare na unconstitutional ang inihain na impeachment rap laban kay VP Sara.

Kasama din si Sara sa kaso na kinakinaharap ng kanyang ama sa ICC.

Ang mahirap pa ay baka lumabas na ang arrest warrant laban sa bise president.

Marami talagang problema ang pamilya Duterte. Wala na silang ginawa kundi gumasta ng malaki.

****

Kapag panahon ng tag-ulan, tatlo ang pangunahing problema sa Pilipinas.

Ito ang pagbabaha, pagsulpot ng maraming sakit, kagaya ng dengue, leptospirosis, sipon, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa tingin natin ay tinutugunan naman ito ng mga ahensya ng gobyerno.

Ang problema lang ay walang sapat na supply ng medisina, lalo na sa mga barangay health centers.

Ang pinaka-mabigat na problema ay ang pagtaas ng presyo ng basic necessities, lalo na ang pagkain.

Mayroon pa rin tayong mga kababayan na walang pakialam sa mga mahihirap basta lang kumita.