Calendar
Suspek sa pamamaril sa 3 bebot arestado
NAARESTO na ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang isa sa apat na suspek sa pamamaril at pagpatay sa tatlong babae sa Novaliches.
Ayon sa report, nagsilbing lookout sa pamamaril sa magkapatid na babae ang tatlong naaresto.
Naganap ang pamamaril sa bahay ng dalawang babae sa Novaliches, Quezon City noong Miyerkules.
Sa progress report na ipinadala ni Novaliches Police Station chief P/Lt. Col. Aljun Belista, bandang alas-12:50 ng madaling araw kamakalawa nang madakip si alyas Joseph sa kanyang bahay.
Lumilitaw na si Joseph umano ang nagtimbre sa mga gunman na nasa loob ang mga napatay na biktima na sina alyas Anna at Elsa at ang ginagamot pa na si alyas Rose.
Patuloy ang pagtugis ng pulisya laban sa riding in tandem at pagtukoy sa tunay na motibo ng pamamaslang.

