Calendar
Mayor Viandrei Nicole “Vianne” Cuevas: “Halina at tayo ay lumibot, makisaya, sumakay sa mga rides, manood ng mga palabas, at mag-FOOD TRIP sa samot-saring street foods at paninda, kakanin at local delicacies na iginayak para sa inyong lahat. Halika at dalhin ang buong pamilya, at magsaya kasama ang iyong kapuso, dyowa at katropa dahil ito ay para sa iyo!”
City Night Market binuksan ni Mayor Cuevas
LUNGSOD NG PALAYAN – Inanyayahan ni City Mayor Viandrei Nicole “Vianne” Cuevas ang lahat ng Novo Ecijano at taga-ibang lugar na bumisita sa kanilang siyudad sa opisyal na pagbubukas ng City Night Market sa Bgy. Singalat nitong Biyernes ng gabi dito.
Ang pormal na pagbubukas nito ay kasabay ng tinatawag na “Ber-months” na hudyat ng pagsisimula ng Christmas season.
Sinabi ni Cuevas na ang city night market ay isang taunang kaganapan na inilunsad ng pamahalaang lungsod na naglalayong palakasin ang turismo gayundin ang suporta sa mga lokal na negosyo at magbigay ng entertainment at masasayang karanasan sa komunidad.
“Halina at tayo ay lumibot, makisaya, sumakay sa mga rides, manood ng mga palabas, at mag-FOOD TRIP sa samot-saring street foods at paninda, kakanin at local delicacies na iginayak para sa inyong lahat,” pahayag ng alkalde.
“Halika at dalhin ang buong pamilya, at magsaya kasama ang iyong kapuso, dyowa at katropa dahil ito ay para sa iyo!” dagdag ni Cuevas.
Mula sa mahigit 100 stalls noong nakaraang taon, sinabi niya na bumaba sa 80 stalls na may iba’t ibang paninda ang na-accommodate para sa taong ito para mabigyan ng sapat na espasyo ang libo-libong dumarayong bisita para makiisa sa pagdiriwang dito.

