Leachon

Mayor Leachon: Calapan kayang makipagsabayan sa larangan ng turismo, edukasyon

Helen D. Prado Sep 13, 2025
404 Views

Calapan City — Nakiisa sina City Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio sa pagdiriwang ng World Tourism Day 2025 na ginanap sa City College of Calapan nitong Huwebes. Tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang skills competition na nilahukan ng mga tourism students bilang pagpapamalas ng kanilang talento at kahandaan sa industriya ng turismo.

Pinangunahan ni City College Administrator Dr. Ronald Cantos ang programa, na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng sektor ng turismo ng lungsod.

Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni Mayor Leachon ang kahanga-hangang Top 3 national finish ng City College of Calapan sa nakaraang Librarian Licensure Exam, isang tagumpay na naglagay sa kolehiyo sa hanay ng mga nangungunang unibersidad sa bansa.
Binati rin niya ang mga bagong registered librarians at hinimok ang lahat ng estudyante na patuloy na magsikap upang maabot ang kanilang pangarap.

Sinabi pa ng Alkalde, ang tagumpay ng ating mga estudyante ay tagumpay ng buong Calapan.

Sinabi pa ng Alkalde, ang tagumpay ng ating mga estudyante ay tagumpay ng buong Calapan.

“Ipinapakita nito na kaya nating makipagsabayan at maging huwaran sa larangan ng edukasyon at turismo,” dagdag pa niya.