Calendar
BIYAHENG BALANGA TO CLARK INT’L AIRPORT UMPISA NA
BALANGA CITY, Bataan — Good news para sa commuters dahil simula ika-13 ng Setyembre, sisimulan na ang biyahe ng ruta Genesis Transport Service mula Balanga, Bataan patungong Clark Airport at pabalik ng Balanga City, Bataan.
Ang bagong ruta ng Genesis ay magbibigay ng mas mabilis at komportableng biyahe dahil halos isang oras lamang ang biyahe sa naturang paglalakbay dahil dadaan ito sa SCTEx.
Inihayag ng management ng Genesis sa ginanap na 2025 Transport Network Vehicle Service (TNVS) Roadshow, opisyal na inilunsad ang bagong Genesis P2P route mula Balanga Terminal hanggang Clark International Airport.
Ang bagong transportation mode na ito ay naglalayong gawing mas mabilis, more convenient, at hassle-free ang biyahe ng mga taga-Balanga at nearby areas papunta sa Clark.
Ang naturang TNVS roadshow ay dinaluhan ni Gov. Joet Garcia, Vice Mayor Francis Garcia, Provincial Board Members, City Councilors at City Department Heads.
Mula sa Genesis naman ay dumalo sina Mr. Droy Jalbuna, Mr. Carlo Moises, Ms. Lulua Rodriguez, Ms. Ceejay Manuel at Ms. Angelica Ricablanca.
Ayon kay Vice-Mayor Francis Garcia, malaking ginhawa ang hatid ng bagong route dahil may direct ride na papunta sa airport nang hindi na kailangan pang mag-transfer ng sasakyan.
Bukod sa mas mabilis na biyahe, nakakatipid din ang commuters sa oras at gastos. Patunay ito ng continuous effort ng lokal na pamahalaan at mga partners nito na magbigay ng mas maayos at efficient na transportation service para sa lahat, aniya.
Dumalo din sa roadshow ang iba’t ibang transport partners ng probinsya tulad ng Grab, Hail, Lalamove, Maxim, at Express EV.
Dati rati, kapag di mo naabutan ang madalang na biyahe ng mga jeep mula Balanga to Clark ay pasalin salin ka ng biyahe at dadaan ka na ng San Fernando, Pampanga bago makarating sa Clark at ito ay tatagal ng halos dobleng oras.

