Aral Sina USec Felimon Ray Javier (pangalawa mula kaliwa) ASec Georgina Ann Yang (left) ng DepEd Central Office at mga opisyal ng General Trias na pinangunahan ni Mayor Luis Ferrer IV (gitna), Congressman Antonio Ferrer (2nd mula kanan), Vice Mayor Jonas Labuguen (kanan) ay namahagi ng materyales sa mga estudyante at laptop sa mga guro sa regional launching ng ARAL Program ng DepEd, Saturday, September 13, 2025 sa Santiago Integrated High School sa Barangay Santiago, General Trias City. DENNIS ABRINA

DepEd inilunsad Aral Program para sa Calabarzon

Dennis Abrina Sep 13, 2025
579 Views

LUNGSOD NG GENERAL TRIAS, Cavite — Pormal ng inilunsad ng Department of Education ang regional level ng Aral Program para sa Calabarzon Region, Sabado, Setyembre 13, 2025 sa Santiago Integrated High School sa Barangay Santiago.

Ang program ay pinangunahan ng DepEd GenTri ang programa.

Sina USec Felimon Ray Javier at ASec Georgina Ann Yang ng DepEd Central Office ang naging panauhing pandangal kasama ang lokal na pamahalaan ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Luis Ferrer IV, Congressman Antonio Ferrer, Vice Mayor Jonas Labuguen.

“Ang ARAL-Reading ay naglalayon na magbigay ng napapanahong, tumutugon at epektibong suporta sa mga mag-aaral na mababa sa inaasahang antas ng kasanayan sa pagbasa, na nagbibigay-daan sa kanila na maabot ang mga inaasahan sa antas ng grado na itinakda ng DepEd,” ani Javier.

Bilang suporta sa LGU GenTri, nagbigay ito ng 219 na laptop sa mga guro sa nasabing lokalidad at mga babasahin para magamit ng mga estudyante, kabilang ang mga kahon na naglalaman ng school supplies.

“Ang lokal na pamahalaan po ng General Trias ay buong suporta po sa education sector, mula silid aralan hangad school supplies para mapataas natin ang antas ng education sa ating lungsod,” saad ni Ferrer sa isang panayam.

“Ang ARAL-Reading ay magsisimula sa ikalawang quarter ng school year 2025-2026. Ang mga paaralang nangangailangan ng mas maraming oras para mag-organisa ng mga tauhan at mapagkukunan ay inaatasan na makipag-ugnayan sa tanggapan ng dibisyon ng mga paaralan hinggil sa mga naaangkop na hakbang na dapat gawin,” dagdag niya.

Ang ARAL Program ay batay sa memorandum na nag-uutos sa lahat ng paaralan na ipatupad ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Reading program sa mga yugto, bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang krisis sa pagkatuto ng bansa.

Ang programa ay nag-aalok ng mga libreng tutorial para sa mga mag-aaral na may mga kakulangan sa pag-aaral upang matugunan ang agarang pangangailangan na pahusayin ang kasanayan sa pagbabasa sa mga Grade 1 hanggang 10 na mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng structured, learner-centered at naka-target na pagtuturo na naaangkop sa kakayahan ng isang mag-aaral sa pagbabasa kaysa sa kanilang edad.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina DepEd Regional Director Atty. Alberto Escobarte, CESO II, Calabarzon, 24 School Division Superintendent ng rehiyon at lumahok sa commitment signing.