Vargas

Vargas inihayag na walang proyekto ang Discaya couple sa kaniyang Distrito ayon sa DPWH

Mar Rodriguez Sep 13, 2025
375 Views

BINIGYANG DIIN ngayon ni House Deputy Speaker at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas na wala umanong ginawang proyekto ang kompanya ng mag-asawang sina Pacifico at Sarah Discaya sa kaniyang Distrito gaya ng naunang inihayag ni Curlee Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Vargas na lumiham sa kaniya ang Department of Public Works ang Highwaya (DPWH) na nagsasabing wala talagang naging proyekto ang mag-asawang Discaya sa kaniyang Distrito batay sa ginawang nilang pag-iimbestiga.

Ayon sa sulat ng DPWH na ipinadala nito sa kongresista, napag-alaman ng kanilang District Engineering Office na walang naibigay na award sa alinman sa siyam na kompanyang pag-aari ng mag-asawang Discaya kahit pa sa mga affiliated companies nito na sakop ng Distrito ni Vargas.