Calendar
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez
Speaker Romualdez: Nagbitiw ako bilang serbisyo, di bilang pagsuko
NAGBITIW si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang posisyon nitong Miyerkules, bilang hakbang upang maisulong ang ganap na pananagutan at transparency sa gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa mga proyektong pang-imprastruktura.
“I stand before you today with utmost humility, and with deep gratitude for the trust and confidence you have accorded me. That trust has been the source of my strength in every day of service,” pahayag ni Romualdez, isang abogado mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), sa kanyang pamamaalam na talumpati sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.
Binalikan niya ang panahon ng kanyang panunumpa bilang Speaker, kung saan kanyang ipinangako na ang kapulungan ay magiging “the people’s House―isang Kongresong bukas, tapat, at tunay na naglilingkod.”
Ngunit kaakibat ng pamumuno ang harapang pagtugon sa mga hamon, sinabi ni Romualdez, na Pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), gaya aniya nang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na “accountability must prevail and that no one is above scrutiny.”
“I fully and unequivocally embrace that call,” pahayag ni Romualdez.
Inamin niyang ang mga alegasyon kaugnay ng ilang proyektong pang-imprastruktura ay nagdulot ng matinding bigat sa kanyang pamumuno at sa institusyon mismo.
“The longer I stay, the heavier that burden grows―on me, this House, and the President I have always sought to support,” dagdag niya.
Dahil dito, nagpasya siya: “Today, with a full heart and a clear conscience, I tender my resignation as Speaker of the House of Representatives.”
Ipinaliwanag niyang ang pag-alis ay mahalaga upang ang Independent Commission on Infrastructure ay maisagawa ang imbestigasyon nang “freely and fully―without doubt, without interference, and without undue influence. Walang pipigil. Walang makikialam.”
Nanawagan si Romualdez sa kanyang mga kasamahan na magpatuloy nang may pagkakaisa at determinasyon, at hinimok ang mga Pilipino na huwag mawalan ng tiwala sa demokrasya, na kanyang inilalarawan na “capable of self-correction and renewal.”
“Mga minamahal kong kababayan, I leave this Chamber as I first entered it―a humble servant, ready to serve wherever duty may call,” aniya.
Sa pagtatapos, kanyang idineklara: “I step down not in surrender, but in service―for sometimes, the greatest act of leadership is the grace to let go, so that this institution may endure stronger than before.”
“Maraming salamat. Mabuhay ang Kongreso ng Taumbayan! Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag pa ni Romualdez.

