Santiago Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang operasyon ng mga ahente ng NBI laban sa iligal na pagmimina sa Davao de Oro. JONJON C. REYES

NBI, MGB nabuking, binuwag illegal mining ops sa Davao de Oro

Jon-jon Reyes Sep 18, 2025
390 Views

NAPATUNAYAN ng National Bureau of Investigation (NBI) na may nagaganap na illegal mining sa Purok Lanigpa at Purok Mandaupan sa Brgy. Bahi, Maragusan, Davao De Oro nang mag-inspect ang mga NBI agents at iba pang tauhan ng mga ahensya ng pamahalaan sa naturang lugar.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, collaborative effort sa pagitan ng NBI-Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) at Mines and Geosciences Bureau (MGB)-Region XI at suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Natuklasan ng raiding teams ang mga inabandonang mining operations na nilagyan ng mga bunkers at tunnel.

Ayon sa NBI, nabuwag ang operasyon ng pagmimina parehong at narekober ang iba’t-ibang kagamitan sa pagmimina kasama ang maraming sako ng tanso at mineral ores.

Pinuri ni NBI Director Santiago ang pagsisikap ng mga ahente ng NBI-SEMRO kaya nadiskubre ang illegal mining operations.